Beatra Logo
Beatra
PremiumFunktionen
Support
Beatra Logo
Beatra

Unternehmen

  • Funktionen
  • Über uns
  • Blogs
  • FAQ
  • Dokumentation

Gemeinschaften

  • Beatra-Community
  • Top Server
  • Top Benutzer
  • Top Playlists
  • Top-Songs
  • Top-Künstler
  • Top-Zusammenfassungen

Nützliche Links

  • Eigener Bot
  • Beatra Zusammenfassung
  • Partner
  • Bot-Status
  • Bot-Befehle
  • Premium
  • Karten-Studio
  • Support
  • Bot einladen

Rechtliches

  • Rechtliches
  • Datenschutzrichtlinie
  • Nutzungsbedingungen
  • Kauf- und Rückerstattungsrichtlinie
  • Cookies

© 2026 Beatra. Alle Rechte vorbehalten.

Ein Produkt von Codeshare
Paglisan

Paglisan

RepablikanYouTube

0Wiedergaben
0mGehört
0%Skip-Rate
Styles:rap/hip hop

Anhören / Vorschau

Auch auf
Original öffnenYouTubeDeezerQobuz

Bakit pa kailangan na masaktan ang puso kong ito?

Sa iyong paglisan, hapdi ang siyang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan?

Dahil ba sa huli na ang lahat, sa 'yo'y paalam?

Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan

Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan

Ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat

Tinatanong sa 'king sarili kung hindi pa ba sapat

Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo?

Bakit kailangang mangyari pa ang mga ganito?

Pilit na inaalala mga bagay na nangyari

Sa 'king puso at sa isip, kalungkutan ang naghari

At naghiwalay tayo na 'di man lang nakapag-usap

Hanggang sa huling sandali, wala nang pangungusap

Na lumalabas sa labi mo na gusto kong malaman

Kung bakit nagkagan'to, at bakit mo 'ko iniwanan?

Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita?

'Di mo na 'ko tinanong at tuluyan kang naniwala

Sinira mo ang tiwala, at ako'y tinalikuran

Bakit kailangan kong masaktan sa iyong paglisan?

Bakit pa kailangan na masaktan ang puso kong ito?

Sa iyong paglisan, hapdi ang siyang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan?

Dahil ba sa huli na ang lahat, sa 'yo'y paalam?

Lumipas nga ang panahon at mga sandaling wala ka

'Di na 'ko umasang babalik ka pa 'pagkat wala na ngang pag-asa

Kahit na ako'y magsisi at lumuha

'Di na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa

Gustuhin ko man na ibalik, hindi na maaari

'Pagkat sa puso mo, mayro'n nang nagmamay-ari

At alam ko na kayong dalawa ay nagmamahalan

Tiniis ko ang sakit at hindi na kitang pinigilan

Ilang beses kong niloko ang sarili kong ito

Na kaya kong mabuhay kahit na wala sa piling mo

Ngunit hindi pa rin sapat ang maging manhid na lang

Upang itago ang nadarama't tuluyang maibsan

Nadama ko na may kulang pa sa aking pagtayo

'Yon ay 'di ko maabot dahil sa 'yong paglayo

Alam kong 'di mo na pakikinggan kahit na isigaw

Walang ibang kulang sa buhay ko, mahal, kundi ikaw

Bakit kailangan humantong sa hiwalayan ng lahat?

Ang nangyari sa relasyon natin, hindi ko matanggap

Hindi ako nagkamali at nagkulang sa 'yo, sinta

Ngunit ano'ng isinukli? Iniwan mong nag-iisa

Bakit pa kailangan na masaktan ang puso kong ito

Sa iyong paglisan, hapdi ang siyang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan?

Dahil ba sa huli na ang lahat, sa 'yo'y paalam?

Naghiwalay tayo na kapuwa may samaan ng loob

At 'di man lang ako nakaangat sa aking paglubog

Hanggang sa huling sandali, 'di man lang nakapagpaalam

Katagang nais sabihin, hindi ko man lang nabitawan

Na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali

'Di na 'ko muling hahabol at magbabaka-sakali

Na maibalik ang dati at makapiling sa tuwina

Ang isang katulad mo 'pagkat wala na ngang pag-asa

At hindi talaga tayo ang itinakda ng Diyos

Kaya ang pagsasama natin ay maagang nagtapos

Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan?

'Di ko lubos maisip, ba't gan'to ang kapalaran?

Bago magtapos ang awit ko, sana'y malaman mo

Na wala na akong ibang inibig kundi ang katulad mo

Ngayong tapos na ang lahat pati ang awitin kong 'to

Salamat sapagkat naging bahagi ka ng buhay ko

Bakit pa kailangan na masaktan ang puso kong ito?

Sa iyong paglisan, hapdi ang siyang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan?

Dahil ba sa huli na ang lahat, sa 'yo'y paalam?

Bakit pa kailangan na masaktan ang puso kong ito?

Sa iyong paglisan, hapdi ang siyang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan?

Dahil ba sa huli na ang lahat, sa 'yo'y paalam?

Quelle: LRCLIB

30-Tage-Aktivität

Noch keine ähnlichen Songs

Keine Hörer-Daten

Keine Server-Daten

Keine letzten Wiedergaben

Erstmals gesehen: Jul 9Zuletzt gespielt: Jul 9, 03:07 PMTitellänge: 5:43