

Dahil hindi pa tayo
'Di ko muna ibibigay ang lahat
Ng p'wedeng ikatas
Ng aking pagmamahal
Ilalagay muna sa ref
Nakabalot sa marikit na lalagyanan
Isantabi para mamaya
Babantayan ka mula sa malayo
Nagbibilang ng mga segundo
Musta na kaya ang iyong mga linggo?
Sana hindi ka masyadong pagod
Sino kaya ang nasa 'yong isip
Kasama pa ba ako sa mga saloobin?
Hanggang sana na lang ako
Lalayo kaya muna?
Mga maling akala
Matutong mahalin ang sarili
Hanggang ang oras ay dumating
Mamahalin na lang kita nang tahimik
Idaraan na lang sa mga awitin
Lagi kang isinisali sa mga panalangin
Miss na kita
Iyon ang aking aaminin
Dalandan, dalandan, Dadadan-dan-dan
Da-da-dan
Da-da-da-da-da-da-da
Itatago ang bulaklak
Ikubli ang mga salita na gustong iparating
'Di na muna la-lalapit
Hihintayin kaya ako
Kapag dumating ang panahon?
Susundan ang mga alon
Sa buhangin ibabaon
Ang aking mga damdamin
Idaraan na lang sa mga awitin
Lagi kang isinasali sa mga panalangin
Mamahalin na lang kita nang tahimik
Mamahalin na lang kita nang tahimik
Idaraan na lang sa mga awitin
Lagi kang isinasali sa mga panalangin
Inaro ta ka
Sana'y sabihin mo rin
Bron: LRCLIB