

[Verse 1]
Sa malalim na gabi
Tayo ay magkatabi
Malumanay ang sinasabi
Na mamahalin hanggang sa huli
Sa gusali ng Matalino Street
Ang oras huminto
Ang buwan ay sumisilip
Habang ako’y nakatitig sa'yo
[Pre-Chorus]
Sana palagi na lang ganito
‘Di maipaliwanag nararamdaman
Oh idadaan ko na lang
[Chorus]
Sa kantang ‘to para sa’yo, hmm
Ito’y dinggin mo oh
[Verse 2]
Hawak mo ang kamay ko
Pasensya na kung medyo pasmado
Tila lahat nakakapanibago
Sadya lang talagang kabado
[Pre-Chorus]
Ganito palang pakiramdam
Na may tao na sigurado sa’yo
‘Di ko man masabi sa iyong harapan
Oh idadaan ko na lang
[Chorus]
Sa kantang ‘to para sa’yo, hmm
Ito’y dinggin mo oh
[Instrumental]
[Pre-Chorus]
Sana palagi na lang ganito
‘Di maipaliwanag nararamdaman
Oh idadaan ko na lang
[Chorus]
Sa kantang ‘to para sa’yo, hmm
Ito’y dinggin mo
[Outro]
Sa malalim na gabi
Sa malalim na gabi
Sa Matalino Street
来源:Genius