

Kung alam mo lang na ang 'yong ngalan
Ang pinanggagalingan ng lahat ng kundiman
Kung alam mo lang, walang palya
Ang pagsusumamong kahit anino mo lang
Ang mahagkan, matapos man ang ulan
Himig man ay maubos, patuloy na bubuhos
Ang pagmamahal, tiyak magtatagal
Kung iyong pahihintulutan lang
Ibahin mo ako sa milyong mata nila
Pagbukas ng mata, baka bukas ay ako na
Hayaan sana akong ipadama na iba ka
Ikaw ang tanging tanaw hanggang sa pagtanda
Kung iyong pahihintulutan, maligaw man sa dadaanan
Basta't ikaw ang hangganan, kung 'di ikaw, huwag na lang
Patapos na ang kanta, nasa'n ka na ba, sinta?
Tiyak na ba ang bukas na nandiyan ka na?
Ibahin mo ako sa milyong mata nila (sa milyong mata nila)
Piliin ako, sana bukas ay ako na (sana bukas)
Hayaan akong ipadama na iba ka (oh), oh
Baka bukas, baka bukas (oh)
Ibahin mo ako sa milyong mata nila (ibahin mo ako)
Piliin ako, sana bukas ay ako na (kung pipiliin ako, sana ay bukas)
Hayaan akong ipadama na iba ka (madama), oh
Baka bukas, baka bukas (ibahin mo ako, ibahin mo ako)
Ibahin mo ako
Ibahin mo ako
Ibahin mo ako
Ibahin mo ako
Ibahin mo ako
Ibahin mo ako
Ibahin mo ako
Kuna alam mo lang na ang 'yong ngalan
Ang pinanggagalingan ng lahat ng kundiman
Fuente: LRCLIB